I
Sa bawat oras na di kapiling ka
Lagi nalang iniisip kung kumusta na
Sana ay okey ka
Ako rin ay iniisip sana
Sa tuwing ika'y lumalayo
Puso ko ay lalong nabibigo
Sagutin mo lang ang tawag ko
Wag naman puro ako
CHO:
Bakit...
Kahit na nasasakta'y
Lumalapit...
Pa rin sayo't nagmamahal
Tinitiis ito
Mahalin mo lang ako
II
Nag-iisip kung titigil na
Sa nararamdamang binabale wala
Minsan akong napapagod na
Di ko na kasi alam kung pa'no pa
Ikaw bay manhid o sadyang walang alam?
Sa halaga ng aking pakiramdam
Sana ibabalik sayo
Lahat ng nararanasan ko
Repeat CHO:
CHO II:
Kahit...
Naghihintay ng kay tagal
Di na uulit...
Umasang may magmamahal
Sa buhay talagang ganyan
May dumarating at may nang iiwan
BRIDGE:
Ano ba tong nararamdaman ko?
Di pa ba natututo
Tama ng pag intindi sa iba
Isipin nalang ang sarili mo na
Repeat CHO:
Repeat CHO II:
Repeat CHO:
Bakit..
Kahit nasasakta'y
Lumalapit...
Pa rin sayo'y nagmamahal...