Nandito na naman sa'yong tabi
Tila nagtataka kung bakit nga ba
'Di naman masabi,
Na sayo'y di makita
Ang meron sya
Puso'y naninimbang
Pagkat lahat ng nakikita
Iba'ng gumaganap
Malayo sa lahat ng inakala mong dapat
Hindi ko naman sinasadya
na umibig sa kanya
ligaya sayo'y di maramdaman
Sana ang puso'y kayang turuan
Na umibig sa iyo
Ngunit di kaya, di kayang pilitin
Iba't-ibang pagkakataon
sinubukan kong sundin
Bulong ng isip
Hadlang man ang damdamin
Di ko maamin
Na sayo'y di makita
Ang meron sya
Oh hindi ko alam
Pagkat lahat ng nakikita
Iba ang gumaganap
Malayo sa lahat
Ng inakala mong dapat
Hindi ko naman sinasadya
na umibig sa kanya
Ligaya sayo'y di maramdaman
Sana ang puso kayang turuan
Na umibig sa iyo
Ngunit di kaya, di kaya
Alam ko na binigay mo ang lahat
Kahit pa di nagawa suklian
Lahat ng ginawa mo para sakin
Pasensya ka na
Alam kong masakit
Hindi ko naman sinasadya
na umibig sa kanya
Ligaya sayo'y di maramdaman
Sana ang puso kayang turuan
Na umibig sa iyo
Ngunit di kaya, di kaya oh oh
Ang puso'y kayang turuan
Na umibig sa iyo
Ngunit di kaya
Di kayang pilitin