Get Under My Skin lyrics by Loonie free! Amazing collection of all Loonie song lyrics in one place. Click the printer icon next to the song title to print the words.

Loonie Under My Skin lyrics

Loonie lyrics of all songs.
Album:
The Ones Who Never Made It
Under My Skin lyrics by Loonie

Alas dose nung tanghale, ika-anim ng Marso
Inaantok na ko galling sa trabaho
Mensahe ni ermats patay na si Kiko
Sinundan pa ng isa, hindi na to biro
Sa kaibuturan na utak ko may pumutok
Bumukol ang lalamunan at di ko malunok
Dumating na ang araw na aking kinatatakutan
Wala na siya, iniwan niya ko, di ko inabutan
Pag-uwi ko binuksan ko ang telebisyon
Nakita ko si Gloc, si Dice, Hi-C, Clumsy at si Ron
Lumuluha tulo sipon, bakit ko pa kasi in-On
Pagtadhana ang nagbiro talagang ika'y mapipikon
Kalagayan mo'y grumabe
Yun ang unang beses akong nakapagsabe ng I love you sa lalake

Ang daming pwedeng mamatay, bakit pa ikaw?
Tinakpan ko ng unan ang muka ko sabay sigaw
Sabay din ang ihip ng hanging habagat
KKK parang dating watawat
Kikong Kalye ng Kalentong maraming salamat
Naisakatuparan ko ang aking pangarap
Ikaw ang hari ng rap, ikaw ang tunay na king
Nung namatay si Michael Jackson wala nang dating
Lumuha lahat ng tala kasabay ng iyong pagpanaw
Wala raw kapalit ang tatlong bituin at isang araw

Popular artists