Get Huwag Mong Sabihin lyrics by Noel Cabangon free! Amazing collection of all Noel Cabangon song lyrics in one place. Click the printer icon next to the song title to print the words.

Noel Cabangon Huwag Mong Sabihin lyrics

Noel Cabangon lyrics of all songs.
Album:
Tuloy Ang Byahe
Huwag Mong Sabihin lyrics by Noel Cabangon

Huwag mong sabihin
Na itong puso ko'y
Mapanlinlang at di lang minsan nagtaksil.
Kahit na tayo'y
Malayo na ngayon sa isa't isa,
Ikaw pa rin ang sinisinta, walang iba.

Kung ako man ay
Naligaw ng landas,
Ikaw pa rin ang lagi kong babalikan.
Ang maghuhugas
Sa putik ng pagkakasala ko'y
Ang batis ng pag-ibig diyan sa puso mo.

REFRAIN

Hindi ko maikakaila
Na ang aking laman ay marupok, mahina,
Subalit ako sana'y paniwalaan,
Ikaw pa rin ang tunay kong mahal,
Tanging ikaw ang tunay kong mahal.

Ang aking buhay
Ay wala nang galak
Kung hindi kapiling ang minamahal.
Walang halimuyak
Ang hardin ng rosas kung wala ka na.
Patawad mo ay ibigay mo na, sinta.

Popular artists