Get Uunahin Ko Kayo lyrics by Noel Cabangon free! Amazing collection of all Noel Cabangon song lyrics in one place. Click the printer icon next to the song title to print the words.

Noel Cabangon Uunahin Ko Kayo lyrics

Noel Cabangon lyrics of all songs.
Album:
Himig Nating Pag-ibig
Uunahin Ko Kayo lyrics by Noel Cabangon

Uunahin kita inay sa malubha mong karamdaman
At kakalungin sa bisig ko ang mahinang katawan
Magdamag kitang babantayan sa luksa at lumbay ng kadiliman
At ipapanalangin kong makita mo ang kariktan

Uunahin kita anak upang ika'y makapag-aral
At sa bawat layunin mo'y karamay sa pagpapagal
Sa kandungan ng kapayapaan, sa landas ng pagkakapantay-pantay
Ihahanda ko ang daigdig sa masagana mong buhay

Mas mahalaga sa akin ang iyong kinbukasan
Ang mga mas pangunahin na mga pangangailangan
Ang pangarap nang marami sa mundo
Ay hindi ko hahayaang mabigo

Uunahin kita mahal sa munti nating tahanan
Dito sa lupang binubungkal, lupang ating kinagisnan

At palagi kong pagsisikapan matagal na nating adhikain
Isang malayang sambayanan sa malayang lupain

Uunahin, uunahin ko kayo .. . .

Popular artists